Nauwi sa kaguluhan matapos ang pagkatalo ng Nigerian national team sa bansang Ghana para sa qualifying ng 2022 World Cup.
Hindi matanggap ng hometown crowd ang pagkatalo ng Nigeria matapos ang 1-1 draw.
Sa galit ng mga ito, bumaba ang mga fans sa pitch at doon na nagbatuhan.
Ilang mga pintuan ang binasag, habang ang mga upuan ay pinagsisira ng mga fans.
Kinailangan na ng mga pulis na gumamit ng teargas upang payapain ang kaguluhan.
Maging sa labas ng stadium ay nagkaroon din ng stampede dahil sa maraming mga fans ang hindi nakapasok.
Sinasabing umabot sa 75,000 ang mga fans na pumuno sa stadium.
Samantala, ang bansang Ghana ang kauna-unahang African country na tutungo sa Qatar bilang bahagi ng 32 mga national teams para sa prestihiyosong World Cup.