-- Advertisements --

Nabigo ang swimmer na si Remedy Rule na iuwi ang gold medal para sa women’s 200-meter butterfly na ginanap sa Aquatics center sa New Clark City, Capas Tarlac. 

Natalo si Rule ng swimmer mula Singapore na si Jing Wen Quh at nakapagtala rin ito ng bagong SEA Games record. 

Kwento ni Rule, sinubukan niya pang agawin kay Jing ang gold medal sa huling 25 meters ngunit tila kinapos ito. 

Nagbiro pa ang atleta na marahil ay malaking epekto ang pagpuputol niya sa kaniyang kuko ilang araw bago ito sumabak sa kompetisyon. 

Nanguna si Rule sa prelimiary round na may record time na 2 minutes 11.91 seconds.

Hindi rin ito pinalad ng podium finish para sa women’s 100-meter freestyle kung saan dalawang atleta mula Singapore ang nag-uwi ng gold at silver medal habang si Jasmine Alkhaldi naman ang nakakuha ng bronze. 

Sa kabila nito, kumpiyansa pa rin ang atleta na makakabawi ito sa iba pang events.