-- Advertisements --
Pascal Siakam
Pascal Siakam/ IG post

Todo ang paninisi ni All-Star forward Pascal Siakam sa kanyang sariling kung bakit umusad ang Toronto Raptors patungo ng Eastern Conference finals.

Una nang nasilat ng Boston Celtics ang NBA defending champion sa Game 7 sa score na 92-87.

Ayon kay Siakam, binigo niya ang kanyang team sa mga dapat sana asahan sa kanya.

“I take a lot of the blame man,” ani 26-anyos na si Siakam.

Bago pa man ang NBA bubble sa Disney World noong buwan Marso, nag-a-average si Siakam ng 23.6 points o 45.9% shooting overall.

Pero nitong bubble at playoffs sumadsad ng husto ang kanyang performance.

Batay sa datos nasa 16.9 points on 39.4% shooting lamang siya sa field.

Sa kabilang nito, todo depensa naman sina Raptors guards Fred VanVleet at Kyle Lowry kay Siakam.

Anila, wala umanong dapat sisihin dahil ginawa nila ang lahat.

“I don’t think he did anything wrong,” giit pa ni Lowry.

Ang Raptors ay nakatakda namang lumayas sa loob ng World Disney bukas araw ng Linggo.

Nakatakdang harapin ng 3rd-seeded na Celtics ang nag-aantay na 5th seeded na Miami Heat kung saan magsisimula ang Game 1 sa Martes.