-- Advertisements --

Tanggap na ni senatorial candidate Romulo Macalintal ang kanyang pagkatalo sa 2019 midterm elections.

Sa isang statement, sinabi ni Macalintal nitong araw na lubos siyang nagpapasalamat sa pagkakataon at karanasan para i-alok ang kanyang serbisyo bilang isang senatorial aspirant.

“But from the results coming from all the clustered precincts, it is clear that a great majority of our voters have chosen other candidates. And I respect their decision as I concede defeat in this senatorial race,” saad ng beteranong election lawyer.

Kanya namang binati ang lahat ng mga nanalong kandidato na masuwerte aniya matapos makuha ang tiwala at kumpiyansa ng taumbayan para magsilbi sa kanila bilang mga senador sa loob ng anim na taon.

Nabatid na hanggang kaninang alas-7:40 ng umaga, 493.45 percent na ng election returns ang naproseso.

Kahit isa sa walong senatorial candidate sa ilalim ng Osto Diretso coalition ay hindi nakapasok sa tinatawag na Top 12.

Si Macalintal ay nasa ika-26 na puwesto, habang ang pinakamalpit na opposition candidate sa winners’ circle ay ang reelectionist na si Senator Bam Aquino na nasa ika-14 na puwesto.

Gayunman, nagpasalamat din si Macalintal sa lahat ng mga supporters na naniwala sa kanyang kapasidad gayunman sa kanyang pamilya na nagbigay sa kanya ng pahintulot na subukang i-alok ang kanyang serbisyo sa publiko.