Nakitaan ng positibong development ni Department of Health Spokesperson Asec. Albert Domingo ang pagkaubos ng pertussis vaccine sa maraming lugar sa bansa.
Ayon kay Domingo, palatandaan ito na marami na ang nagpabakuna kaya kinakapos ng stock.
Pero kasabay nito, inamin ng ahensya na mahalagang mapunan agad ang kakulangan para mapagkalooban ang mas marami pang Filipino.
Sa ngayon, mayroon pa umanong Pertussis vaccine pero nalalapit na itong maubos.
Kaugnay nito, ipinag-utos aniya kay DOH Sec. Teodoro Herbosa na tiyaking makakakuha ng pamalit na supply mula sa mga nagamit nitong mga nakaraang linggo.
Tiniyak naman ni Domingo na may mga parating pang Pertussis vaccine sa Hunyo, para matiyak na mararating ng vaccination program kahit ang malalayong lugar.