-- Advertisements --

Binatikos ni Senador Robinhood Padilla ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pagkawala ng “due process” sa pagsuspindi ng 30 araw sa Sonshine Media Network Inc. (SMNI).

Ayon kay Padilla, mahalaga ang papel ng SMNI sa pagtulong sa anti-terrorism campaign ng pamahalaan sa pamamagitan ng programang kumokontra sa “communist propaganda and recruitment strategies.

Ayon kay Padilla, bagama’t may kapangyarihan ang NTC na magsuspindi o bumawi ng certificate ng mga lumabag sa Republic Act 11659, may probiso ang RA 11659 na posibleng magsuspindi ang NTC ng 30 araw “to avoid serious and irreparable damage or inconvenience to the public or to private interests.”

Dagdag ng Senador, na mismong Supreme Court ang nagsabi noong 2008 na ang administrative proceedings ay dapat sumunod sa “basic and fundamental procedural principles, such as the right to due process in investigations and hearings.”