Kinumpirma ng Meralco na ang pagkawala ng kuryente noong Hunyo 9 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ay sanhi ng unattended electrical equipment.
Ang MServ, isang subsidiary ng Meralco, ay nagsasagawa ng testing activities sa pamamagitan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga electrical facility ng NAIA Terminal 3, ayon sa pahayag ng Meralco.
Batay din sa incident report sa mga airport authorities, aksidenteng iniwan ng isang tauhan ng MServ ang mga grounding conductor na nakakabit sa isang electrical equipment sa panahon ng isang testing activity, na nag-trigger ng electrical fault noong 12:50 p.m. na nagdulot ng pagkaputol ng kuryente sa mga pasilidad ng NAIA Terminal 3
Humingi na ng paumanhin ang Meralco para sa power interruption at tiniyak sa MIAA, Department of Transportation, at publiko na may mga hakbang na ginagawa para maiwasang maulit ang mga katulad na insidente.
Ilang flight ang naantala at mahahabang pila sa immigration noong Hunyo 9, Biyernes, matapos ang nasabing power interruption.