-- Advertisements --

Muli na namang isinailalim ng NBA sa ikalawang pagkakataon sa quarantine ang Washington Wizards superstar na si Bradley Beal.

Ito na ang ikalawang beses na ipinasok sa health and safety protocols ng liga sa loob lamang isang buwan si Beal.

Kung maalala kasama sana sa Tokyo Olympics ng Team USA si Beal pero ito ay hindi bakunado.

Hindi rin kaagad nakalaro ngayong season si Beal bunsod na dinapuan ito ng COVID-19.

Kanina hindi na rin nakasama sa game ng Wizards si Beal laban sa Thunder.

Sinasabing malaking dagok ang pagkawala ng point guard sa team lalo na at naghahabol na mapasali sila sa playoffs sa Eastern Conference.