-- Advertisements --

Patok agad sa internet ang mga larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang sikat na Hong Konger/Chinese action star na si Jackie Chan.

Mismong ang dating special assistant to the president at ngayo’y Senator “Bong” Go ang nag-post sa naturang mga larawan.

Batay sa impormasyon, nakatanggap ang 74-year-old chief executive ng panda stuff toy at sariling libro ng 65-year-old martial arts expert.

Game rin namang nakipag-picture si Chan kasama rin ang senador habang naka-“Duterte” fist post.

Kamakailan lang nang managawan ang global superstar ng kapayapaan sa Hong Kong dahil bilang Chinese at Hong Kong citizen aniya, ay pantay nitong nirerepresenta ang bawat isa.

Kabilang sa hit movies ni Chan ay ang “Fist of Fury,” “Drunken Master,” “Enter the Dragon,” “Snake in the Eagle’s Shadow,” “Rumble in the Bronx,” “Shanghai Noon,” “The Karate Kid,” “Chinese Zodiac,” at iba pa.