-- Advertisements --

DAVAO CITY – Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pagkikita nina Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio at magkapatid na sina Senator Imee Marcos at Bongbong Marcos.

Una ng kinumpirma ng Mayor ang mga lumabas na larawan at sinabi nito na nangyari ang kanilang pagkikita sa noong sabado o bago ang kanyang kaarawan kahapon.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang alkalde sa kanilang napag-usapan ngunit makikita na masaya ang mga ito.

Nagpapasalamat naman si Mayor Inday sa mga bumati sa kanya lalo na ang mga nagsagawa ng virtual concert at nagbigay sa kanya ng regalo.

Ilan sa mga netizen ang nagsabi na posibleng naghahanda ang mga ito sa darating na presidential election sa susunod na taon.