-- Advertisements --

Sumentro sa pagkilala muli kay Kristo ang naging mensahe ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ngayong Kapaskuhan.

Sa kaniyang isinagawang misa sa pagsalubong na kapaskuhan sinabi nito na maraming tao pa rin ang hindi nakikita na ang tunay na nagpapasaya ay si Kristo.

Hindi rin nito maiwasang magpasaring sa pulitika kung saan laging ipinaggigiitan ng mga pulitiko na dapat hiwalay ang estado ang simbahan.

Magugunitang isa si David na bumabatikos sa mga maling nangyayari sa gobyerno.