Magsisilbing inspirasyon sa PNP ang ginawang pagkilala ni Pang. Rodrigo Duterte sa pambansang pulisya partikular ang Bulacan drug raid kung saan nasabat ang nasa P5-billion halaga ng iligal na droga para palakasin pa ang kanilang kampanya.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, nagagalak ang mga Pulis sa ibinigay na recognition ni Pang. Rodrigo Duterte sa ipinakitang efforts ng PNP para labanan ang iligal na droga sa gitna ng umiiral na General Community Quarantine (GCQ).
” Ang papuri na ibinigay ng Pangulo sa PNP ay magsisilbing inspirasyon ng ating hanay upang lalo pa nating pag igihin ang ating pagganap ng ating tungkulin at ating mandato at lalo din natin pag ibayuhin ang paglilingkod sa ating mga mamamayan,” pahayag ni BGen. Banac.
Sinabi ni Banac malaking hamon din sa PNP para matunton ang mga bigtime drug personalities lalo na ngayon na nasa COVID-19 pandemic ang bansa.
Pagtiyak ni Banac, sa kabila ng pandemya naka pokus pa rin ang PNP para magkasa ng anti-illegal drug operations sa buong bansa.
” Ang pagkakasabat ng malaking amount ng shabu kahapon ay isang patuloy na hamon sa atin na hanapin pa ang mga posible pang pinagtataguan ng suplay ng iligal ba droga sa ibat ibang panig ng ating bansa,” wika ni BGen. Banac.
Samantala, sa kabila ng kaliwat kanang operasyon ng PNP, mahigpit pa rin pinapairal sa mga police raiding teams ang safety and health protocols para maiwasan na mahawa ng Covid 19 virus.
” Naagpapatupad ang PNP ng lahat na mga health standards at protocols para hindi mahawaan ang ating mga operatiba ng Covid 19 at ito ay gagawin natin kahit nasa kalagitnaan tayo ng pandemic,” dagdag pa ni Banac.