KALIBO, Aklan— Ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Malay ang sunud-sunod na pagkilala sa Boracay kung saan pinakahuli dito nang mapabilang ang isla sa ika-apat na “best island” sa Asia-Pacific.
Kasama ang pinakapopular na beach destination sa talaan ng Best Islands in Asia Pacific category sa Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific 2024.
Ayon sa Malay Municipal Tourism Office, kabilang din ang Boracay sa listahan noong nakaraang taon na nasa ika-limang pwesto habang pangatlo naman ang Palawan.
Sa kasalukuyang taon, dineklara ang isla ng Koh Samui sa Thailand bilang best island sa Asia-Pacific at sumunod naman ang Bali sa Indonesia.
Dagdag pa ng tanggapan na inaasahan na nila ang mas maraming turista sa Boracay ngayong taon.
Nabatid noong 2023 ay may kabuuang 2.1 milyong foreign at domestic tourists ang bumisita sa Boracay.