-- Advertisements --

Pangkaraniwan lamang umano ang mga namamataang pagkilos ng mga tangke at tropa, lalo na sa bisinidad ng mga kampo ng militar.

Ito ang paglilinaw ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, sa gitna ng pangungulit ng media tungkol sa mga umano’y nakitang mga tanke na lumalabas sa social media.

Binigyang-diin ni Arevalo na walang malakihang pagkilos ng mga puwersa ng militar sa ngayon.

Kung meron man aniyang pagkilos ng mga tropa, ito ay bahagi ng routine movements na “properly coordinated.”

Kasabay nito, nanawagan si Arevalo sa publiko na maging mahinahon at wag magpadala sa mga kumakalat na larawan sa social media na umano mga tangke sa kalsada.

Madali lang aniyang magpakalat ng maling impormasyon sa pamamagitan ng mga litrato, na maaring nakuha sa ibang pagkakataon.

“So maraming ganyan, maalala mo hindi lang ngayon to e, marami pang pagkakataon na merong mga nagpada sa atin ng picture only to find out na panis na pala yun so thats our supposition, thats why that comes both as an information to calm down the public and also an opportunity for us to, not necessarily warn, but inform them and urge them lalo na ‘yung makakabasa, makakarinig na wag naman silang magpakalat basta ng impormasyon na hindi naman validated, lalo na kung conjectures,” apela ni Areval.