Nirerespeto umano ng Pilipinas ang naging pagkontra ng Malaysia sa naunang statement ng chairman ng ASEAN na si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ukol sa Rohingya crisis sa Myanmar.
Ginawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paliwanag kasunod ng mariing pagkontra nang Malaysia sa pamamamagitan ni Foreign Minister Anifah Aman.
Sa pambihirang pagkakataon pinuna ni Aman ang statement ng 10-member ASEAN countries kung saan isa rin itong miyembro.
Tinawag pa ni Aman na ang statement na binasa ni Cayetano ay “misrepresentation of reality†kung saan hindi umano binanggit ang kalagayan ng Muslim minority na Rohingyas na nasa mahigit 400,000 na ang na-displace.
Sa halip sinabi sa statement ni Cayetano ang pagkondena sa pag-atake sa Myanmar security forces noong August 25.
Paliwanag naman ng DFA ang naging statement ng chairman ay inilabas matapos ang malalimang konsultasyon kasama na ang Malaysia.
Ang iba aniyang mga foreign ministers ay alam na rin daw na didistansiya ang Malaysia sa kanilang nagkakaisang statement.
“ASEAN is deeply concerned about the humanitarian situation in the northern Rakhine State and since Malaysia has different views on some issues, out of respect for its position, we decided that instead of a Foreign Ministers Statement, we would issue a Chairman’s Statement that would reflect the general sentiments of the other foreign ministers,†bahagi ng DFA statement kung saan ang Pilipinas ang tumatayo ngayon bilang chairman ng ASEAN.
Batay naman sa record ng United Nations, mahigit na sa 700,000 Rohingya refugees ang lumikas patungong Bangladesh kung saan nasa 420,000 na ang dumating nitong nakalipas na mga linggo.