Nananatiling top concern ng mga Pinoy ang pagkontrol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ito ay batay sa lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng OCTA Research na inilabas isang araw bago ang SONA ni PBBM.
Sa naturang survey, 65% ng mga respondents ang pumili sa inflation bilang Top 3 sa mga pangunahing alalahanin na dapat tugunan ng pamahalaan sa kasalukuyan.
Ang naturang porsyento ay halos kapareho lamang ng 65% na nakuha nito noong nakalipas na survey noong March 2024.
Kung ibabase sa socio-economic classes, ito rin ay pinili ng mga respondents bilang ‘most urgent national concern’.
Maliban sa inflation, ang ilan pang pangunahing nais marinig ng mga Pilipino ay ang access sa murang pagkarin katulad ng bigas, gulay at karne, pagtaas sa sahod ng mga mangagawa, pagbuo ng mas maraming trabaho, pagpapababa sa poverty rate, at pagbibigay ng kalidad na edukasyon.
Ang iba pang tinukoy ng mga respondents bilang urgent national concern ay ang pagtugon sa graft and corruption, pagdepensa sa WPS, paglaban sa kriminalidad, promosyon ng peace and order, pagpapababa ng buwis, at pantay-pantay na pagpapatupad ng batas.
Natanong din ang mga respondents na maglista ng kanilang mga personal concern: nanguna rito ang kalusugan, sapat na pagkain, at pangatlo ang pagpapadala sa mga anak sa eskwelahan at tuluyang makapagtapos ang ma ito.