-- Advertisements --
pbbm rice

Inaasahang mababawasan na ang mga kontrol na ipinapataw sa presyo ng mga bigas kasabay ng pagsisimula ng anihan ng palay sa bansa ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Saad pa ng Pangulo na tumatayong kalihim din ng Department of Agriculture na maaaring magbaba na ng presyo ang mga merkado dahil sa pagpasok ng mga aning palay.

Base sa data mula sa Philippine Rice Information System, inaasahan ng pamahalaan na makapag-ani ng 2 million metrikong tonelada ng palay sa katapusan ng buwan ng Setyembre at 3 million metrikong tonelada naman sa buwan ng Oktubre.

Matatandan na una nagpatupad si PBBM ng price cap sa dalawang klase ng bigas upang matulungan ang publiko na ma-afford ang bigas sa kabila pa ng pagsipa ng presyo nito dahil sa epekto ng El Nino.

-- Advertisement --

Gayundin nagtakda ng bagong price range ng unmilled rice ang Pangulo para mabigyan ng mas magandang kita ang mga magsasakang Pilipino.