-- Advertisements --

Hindi kasalanan nina Sen. Francis Pangilinan at Quezon City Rep. Christopher “Kit” Belmonte ang pagkatalo ng Otso Diretso senatorial candidate sa May 2019 elections.

Paglilinaw ito sa chairman ng Liberal Party na si Vice President Leni Robredo kagabi sa panayam ng media sa sidelines ng Pag-asa Film Festival 2019 sa Quezon CIty.

Sinabi ni Robredo, na maaring sabihin na maraming pagkukulang pero hindi raw ito kasalanan nina Pangilinan at Belmonte.

Magugunita na pagkatapos ng halalan ay inanunsyo ng dalawang mambabatas na magbibitiw sila bilang presidente at secretary general ng LP dahil sa ‘di pagkapanalo ng kanilang mga sentorial candidates.

Subalit nagdesisyon si Robredo na huwag tanggapin ang pagbibitiw nina Pangilinan at Belmonte.

“Ano iyon, very noble way of accepting responsibility, pero sinabi ko din sa kanila na kung ako lang magdedesisyon, hindi ko siya tatanggapin,” ani Robredo.

Para sa bise presidente, ang 2019 senatorial race ay hindi “total loss” para sa Otso Diretso.