-- Advertisements --
Sisimulan ngayong araw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagkuha ng 50,000 na karagdagan contact tracers para sa mga nadapuan ng mga COVID-19.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagpirma na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Bayanihan 2 Law.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na aabot na sa kabuuang 97,400 na mga tracers na ang kukunin na nila.
Malaki aniya ang gamit ng mga contact tracers sa iba’t-ibang local government unit para agad na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang mga kukuning bagong tracers ay itatalaga kasi sa contact tracing teams na ipapakalat ng mga local government units sa buong bansa.