-- Advertisements --
image 128

Hindi lamang isang “symbolic victory” para kay US President Joe Biden ang patuloy na kontrol ng mga Democrats sa Senado.

Ito aniya ay may tunay na implikasyon sa pulitika sa susunod na dalawang taon sa panunungkulan ng presidente.

Nauna nang nagdiriwang si Biden at ang kanyang partido pagkatapos ng inaasahang re-election ni Senator Catherine Cortez Masto sa mainit na pinagtatalunang Nevada race na ginagarantiyahan na ang mga Democrats ang mananatiling may kontrol sa upper chamber.

Napag-alaman na patuloy pa rin ang gitgitan ng labanan sa Senado.

Nangunguna naman ang mga Republicans sa botohan sa House of Representatives kung kaya’t nahahati ang pamahalaan sa legislative branch.