Bombo Iloilo – Pagkuha ng media sa simbahan, universities at private properties, binabawalan sa FIFA World Cup sa Qatar
Mahigit isang buwan bago ang pagsimula ng World Cup Qatar 2022, nagpalabas ng order ang FIFA sa mga kasapi ng media.
Ayon kay Bombo Queny Gajete Parcon, international correspondent sa Qatar, mahigpit na binabawalan ng FIFA ang pag-interview sa mga residente sa kanilang mga pamamahay.
Binabawalan rin ang pagkuha ng video sa mga sites kun saan naninirahan ang mga migrant workers.
Ayon pa kay Parcon, hindi rin pwede na kumuha ng footage sa mga government buildings, universities, mga simbahan at ospital.
Binabawalan rin na magkuha ng video sa mga privately owned property kahit na may pahintulot pa ng may-ari.
Ayon sa FIFA, tatlong mga lugar lang sa Doha ang pinapayagan na makuhanan ng video.
Ito any sa Corniche waterfront promenade, West Bay at Towers area.
Magsisimula ang World Cup sa Nobyermbre 20 hanggang Disyembre 18.
Ito ang pinakaunang panahon na gaganapin ang World Cup sa isang Arab country at pangalawa naman sa Asya.