Umani ng papuri ang pagtatalaga ni President Ferdinand Marcos Jr. sa beteranong career diplomat na si Enrique Manalo bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DOH).
Ayon sa ilang nasa diplomatic community maituturing na “best choice” si Manalo at maituturing na “low key” ang personalidad.
Ipinalit si Manalo na nanumpa na rin kay dating Sec. Teodoro Locsin Jr.
Nasa halos apat na dekada na na nasa DFA si Manalo na nagsimula mula pa noong taong 1979 kung saan naging special assistant siya hanggang sa ipinadala sa iba’t ibang mga bansa bilang envoy.
Bago siya pinili ni Marcos siya ang tumatayong Philippine Permanent Mission Representative sa UN sa New York City.
Ang 69-anyos na diplomat ay dati na ring nagsilbi bilang acting DFA secretary sa Duterte administration mula March 9 hanggang May 17, 2017 nang si Atty. Perfecto Yasay Jr. ad-interim appointment confirmation ay ni-reject ng Commission on Appointments dahil sa citizenship issues.
Nagsilbi rin siya noon bilang Philippine Ambassador to the United Kingdom mula taong 2011 hanggang 2016 at naging undersecretary for Policy ng Department of Foreign Affairs mula 2016 hanggang 2020.
Ang yumaong ama ni Manalo na si Armando, ay dati ring ambassador to Belgium at political adviser ng Philippine Mission sa United Nations. Isa rin itong journalist.
Ang ina ng bagong top envoy ng Pilipinas na si Rosario, ay ang unang female career diplomat ng DFA.
Pagkatapos na maging ambassador sa ilang mga bansa, nahalal siya bilang rapporteur ng United Nations committee to stop discrimination against women.