-- Advertisements --
image 266

Bigo pa ring maiahon mula sa dagat ang nasunog na MV Lady Mary Joy 3 sa Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad, Basilan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), magkakatuwang pa rin sila mga hakbang para sa salvage operation ng naturang barko.

Nabatid na nasa 30 ang nasawi sa pagkasunog ng passenger vessel noong Marso 29, 2023, habang naglalayag ito mula sa Zamboanga City papuntang Jolo, Sulu.

Pinangungunahan ng Aleson Shipping Lines ang naturang operasyon, kasama ang M/T Muscle Man 1 at M/T Muscle Man 2.

Layunin ng pag-ahon sa barko na masiyasat pa ito bilang bahagi ng mga ebidensya ukol sa mga kasong nakahain dahil sa pagkamatay ng ilang pasahero at pagkasugat ng iba pa.