-- Advertisements --
image 216

Inaasahang maaapektuhan muli ng habagat ang lagay ng panahon sa bansa dahil nakatakdang magdala ito ng pagkulog sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon, ayon sa state weather bureau.

Ito ay matapos makalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm na si Dodong nitong Sabado.

Ang ilang bahagi ng Visayas ay inaasahang makakaranas ng paminsan-minsang pag-ulan dahil sa impluwensya ng habagat habang ang ilang bahagi ng Mindanao ay inaasahang magkakaroon ng mga pag-ulan, batay sa DOST alas-4 ng hapon.

Binanggit din ng state weather bureau sa gale warning nito na kaya pa ring palakasin ni Dodong (international name Talim) ang habagat kahit nakalabas na ito ng PAR.

Samantala, binabantayan ng DOST ang cloud cluster sa silangan ng Mindanao dahil maaring pumasok ito sa PAR bilang low pressure area o bilang tropical depression sa Martes.

Kung tumindi at magiging bagyo ang cluster, tatawagin itong Egay, ayon sa DOST.