Nakatakdang makumpleto ngayong linggo ang P704-million repair at overlay sa Runway 06/24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), inaasahang matatapos ang pagkumpuni sa naturang runway sa darating na Marso 15, 2019.
Sa isang statement, sinabi ni MIAA General Manager Ed Monrea na ikinatutuwa niya na ang completion ng pagkumpuni at overlay sa naturang runway ay mas maaga kumpara sa orihinal na schedule na sa Hulyo pa.
Nabatid na ang naturang proyekto ay hinati sa dalawang components, kung saan ang isa rito ay ang tungkol sa civil works para sa pagkumpuni ng runway pavement, at total asphalt overlay na may haba na 3,697 meters and 60 meters wide.
Samantala, ang electrical phase component ay binubuo naman ng removal, resurfacing, at re-installation ng apektadong airfield lights.