Aabutin pa ng 2 hanggang 3 buwan ang pagkumpuni sa BRP Teresa Magbanua na nagtamo ng pinsala dahil sa intensiyonal na pagbangga ng barko ng China Coast Guard ng 3 beses habang nagpapatroliya sa Esocda shoal noong Agosto.
Kasalukuyang nakadaong ang naturang barko ng Philippine Coast Guard sa Danao, Cebu kung saan inaayos ang mga butas at yupi sa superstructure at hull ng barko.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Arman Balilo, walang pondong gagastusin ang gobyerno sa pagkumpuni ng BRP Teresa Magbanua. Mayroon pa aniya itong warranty mula sa kompaniyang gumawa mula Japan kaya sasagutin nila ang gastos.
Maliban sa BRP Teresa, kasalukuyan ding kinukumpuni sa Cebu ang 2 maliliit na patrol vessels ng PCG na BRP Bagacay at BRP Engaño na nasira din dahil sa pagbangga ng mga barko ng China Coast Guard sa Escoda shoal noong Agosto 19.