-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Walang malalabag na batas kung tataasan man ang patong sa ulo ng isang wanted person gaya sa paggawa ng 10-milyong piso sa reward para sa makakakita sa kinalalagyan ngayon ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na magresulta sa kanyang pagkakahuli.

Reaskyon ito ni Atty. Hillary Olga Reserva sa pagkalampag ng legal counsel ni Pastor Quiboloy sa ginawa ng gobyerno sa kanyang kliyente.

Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Reserva na kailangan lamang idetermina sa gobyerno ang source ng nasabing halaga upang malaman ang motibo nito lalo na kung mula ito sa isang pribadong tao.

Hindi umano maiiwasan na kukwestyunin ng kampo ni Quiboloy sa sobrang laki ng reward money na ini-offer ng gobyerno lalo na’t mas malaki pa ito kaysa iilang mga wanted terrorists ng bansa.

Ito’y lalo na’y hindi umano makokonsiderang kaaway ng gobyerno ang pastor kahilt na nahaharap ito sa iilang mga kaso.

Karapatan umano sa kampo ni Quiboloy kung saan at sino ang nag-donate ng nasabing halaga upang maiwasan ang mga espekulasyong makokonsidera itong isang uri ng kurapsyon.