Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglabag ng New People’s Army (NPA) sa idineklara nilang ceasefire o tigil-putukan.
Patunay daw dito ang ginawa umanong pagsalakay ng komunistang grupo sa isang military patrol base noong December 25 at ang tangkang pagdukot sa isang CAA member noong December 26.
Ayon kay AFP Acting spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo, pinapakita lamang ng grupo ang ginagawa nilang paglilinlang kung saan ang kanilang mga aksyon ay taliwas sa kanilang sinasabi.
“Such treacherous attacks are expected of the NPA despite their ceasefire declaration since they have, for the longest time, lost their ideological mooring and resorted to actions reflective of a terrorist organization,” pahayag ni Arevalo.
Samantala, tiniyak naman ni Arevalo na mananatiling faithful ang AFP sa idineklarang yuletide ceasefire ng pamahalaan at ang mga tropa ay mananatili sa active defense mode.
Nakahanda rin aniya ang mga sundalo na rumesponde sa anumang banta at pag atake na ilulunsad ng NPA lalo na sa mga komunidad.
“We call on our lost brothers in the NPA to reassess their stand and take the peaceful path to peace and return to the folds of the law so that they can be with their families and become productive citizens of the community,” pahayag ni Arevalo.