Kinumpirma ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Representative Lito Banayo na ang dahilan nang pag-aresto kay Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog habang nasa Taiwan, ay dahil sa paglabag nito sa immigration laws at overstaying.
Ayon kay Banayo, kasalukuyang nasa kustodiya na ng National Immigration Authorities sa Taiwan si Parojinog.
Hindi pa lang aniya matiyak kung kailan nakapasok si Ardot sa Taiwan pero isa sa mga tinitignan nila ay posibleng sa pamamagitan ng backdoor entry.
Nabatid na ang Pingtung area kung saan nahuli si Ardot ay isang fishing village sa Taiwan.
Hihintay naman ng Philippine National Police ang official report mula sa Taiwan autorities hinggil sa pagkakaaresto kay Ardot dahil sa balak nilang pagsundo rito.