-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isinigaw ngayon sa mga broadcast journalits na sina Jeffrey ‘Ka Eric Almendras’ Celiz, ang dating consultant ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC at Dr. Lorraine Badoy, ang pitong araw na paglabag ng House of Representatives sa kanilang karapatan habang nakadetine sa detention facility ng kamara.

Matatandang ikinulong sila matapos na hindi nakuha ng mga miyembro ng House of Representatives sa kanilang legislative inquiry, ang nais nilang sagot sa mga tanong na ipinukol sa dalawa ukol sa sources ng kanilang impormasyon kaugnay sa milyunes pisos na travel expenses ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Jeffry ‘Ka Eric Almendras ‘ Celiz na wala silang reklamo sa mga nagbantay sa kanila sa detention facility ng kamara kundi sa hindi patas na pagtrato sa kanila.

Ito’y dahil denitine umano sila na hindi man lang dumaan sa due process at kinuha pa sa kanila ang karapatan para sa malayang pamamahayag.

Ang pagpapalaya umano ng kamara sa kanila ni Doctor Badoy ay prte ng taktika ng Kongreso upang hindi ma-technical ng Korte Surprema sa inihaing petition for habeas corpus.

Maliban pa ito sa lumalaking suportang kanilang nakuha laban sa abusado at arogante umanong mga mambabatas.