CENTRAL MINDANAO-Tila ba naging kagawian na ni North Cotabato Governor Nancy Catamco ang pagbali at pagsuway ng batas para sa kanyang personal at politikal na interes.
Kaya hindi nakapagtataka na sa liham opinyon ni DILG Secretary Eduardo Año para kay Catamco noong Enero 20 2022 ay mahigpit itong pina-alalahanan na sundin kanyang sinumpaang tungkulin at sumunod sa mga umiiral na batas at alituntunin.
Malinaw ang sabi ni Secretary Año “the undesigned reminds you of your sworn duty to obey laws, legal orders, decrees promulgated by the duly constiuted authorities of the Republic of the Philippines.”
Ito ay matapos ilang beses na nag issue ng Memorandum Order si Catamco na nag-uutos na suwayin ang mga desisyon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) para suspendihin si Pigcawayan Mayor Jean Dino Roquero at Magpet Vice Mayor Rogelio Marañon.
Ang proseso ng SP ay malinaw na dumaan sa legal na proseso ngunit sa kagustuhan ni Catamco na maisalba ang kanyang mga kaalyado sa pulitika ay maka-ilang ulit siyang nag labas ng Memorandum Order na hindi naman alinsunod sa batas.
Ang pinapakita ni Catamco ay klaro g pagsuway sa batas at pabor lamang sa kanyang interes. Dahil din sa kanyang Memorandum ay anim na buwan ng walang sahod ang aabot sa 415 na mga Job Orders at Contract of Service na empleyado ng SP.
Mahilig si Catamco sa tinatawag na emotional appeal pero hindi maitatago ang kanyang mali-maling proseso na mismong DILG na ang nag-paalala sa kanya.
Dagdag pa dito ang isa pang Memorandum na pinalabas rin ni Catamco na nag-uutos na huwag dumalo ang mga department heads sa ginagawang Committee of the Whole meeting kaugnay sa annual budget. Dahil sa Memorandum walang impormasyon at dokumento ang SP upang basihan sa pag apruba ng nasabing budget.
Dagdag na naman ito sa marami ng kapalpakan ni Catamco na siya namang pinapahid niya sa mga kalaban niya sa pulitika.