-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang pagbabagong ipapatupad sa pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas lalong paiigtingin pa nila ang paglaban lalo na at may naitala ng Omicron coronavirus variant sa bansa.
Mas lalo aniya nilang paiigtingin ang pagbabantay sa border, pagmonitor sa mga kaso, pag-implementa ng minimum public health standards at pagpapabakuna.
Dagdag pa nito na nasa tamang landas na ang gobyerno sa paglaban sa COVID-19.
Kanila lamang babaguhin ang pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19 kung ito talagang kailangan.