-- Advertisements --

Nagkasundo si Pangulong Rodrigo Duterte at US Secretary of Defense Lloyd Austin na palakasin ang kanilang paglaban sa iligal na droga at COVID-19 pandemic.

Isinabay ni Austin ang pagbisita kay Pangulong Duterte sa 75-taon diplomatic ties at 70 taon ng Mutual Defense Treaty.

Ilan pa sa mga natalakay nila ay ang trade and investments, rule of law, domain awaresness at ang paglaban sa transnational crimes.

Pinasalamatan ng pangulo ang US dahil sa tulong nito sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng donasyon ng mga bakuna sa COVAX facility kung saan nakatanggap ng mahigit 3 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang bansa.

Umabot sa 75 minuto ang ginawang pag-uusap ng dalawa.

Bago umalis sa bansa si Austin ay makikipagpulong muna ito kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana at Department of Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr.