-- Advertisements --
Tatalakayin ng House of Representatives ngayong linggo ang paglaganap ng fake news at malawakang pagpapakalat ng mga disinformation campaigns sa mga social media.
Bubuuin ng joint investigation panel nina public order, public information and information and communications technology na pinangungunahan nina Rep Dan Fernandez, Agusan del Norte Rep. Jose Aquino Jr at Navotas Rep. Toby Tiangco.
Layon ng nasabing pagdinig ay ilabas ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Binigyang halaga ng mga mambabatas ang nasabing imbestigasyon dahil ito ay nagpapagulo sa mga samahan, public order sa bansa.
Nais din ng mga mambabatas na higpitan ang panuntunan sa paggamit ng mga social media sa bansa.