Tututukan ngayon ng Department of Social Welfare development ang paglaban sa gutom ng ating mga kababayan na hirap sa buhay at hirap maging sa pagkain na pangunahing pangangailangan ng bawat pilipino.
Ang Plano na ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibalik ang food coupon program sa ahensiya upang mapababa ang problema sa pagkagutom ng maraming mahihirap na Pinoy.
Ayon kay Department of Social Welfare Development Rex Gatchalian, ang hakbang na ito ay ang reaksyon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) noong nagdaang buwan na nagsasabing may 3 milyong pamilya ay nakakaranas ng kagutuman.
Dagdag pa ng ahensya papalawakin rin umano nila ang ganitong programa para mas lalo pang maabot ang ‘yung mga nasa malalayong lugar na matulungan pa ng kanilang ahensya.
Sa ngayon nakikipagugnayan na ang ahensya sa iba pang sektor para sa posibleng pagbabalik ng food stamp program sa koordinasyon ng pribadong sektor para matamo ang tagumpay ng naturang programa.