-- Advertisements --
Nakasentro sa paglaban sa mga plastic waste ang pagdiriwang ng Earth Day ngayong taon.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, na kanilang hihikayatin ang mga kabataan na labanan ang paggamit ng mga plastic products.
Ilan sa mga kaparaanan ay ang pag-re-use, recycle para labanan ang plastic pollution sa bansa.
May tema ang nasabing Earth Day ngayong taon na “Planet vs. Plastic”.
Sa mga pangunahing malls sa Pasay City, Marikina, Pasig, Manila at Quezon city, Bulacan, Pampanga, Cavite, Cebu at Davao ay maaring magdala ang mga mag-aaral ng mga plastics na kanilang makukulekta at kada buwan ay mayroong premyo na makatatanggap sa mga may pinakamaraming nadalang plastic.