-- Advertisements --
image 163

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng nasa mahigit P14 billion na pondo para sa regular pension ng military retirees ng Department of National Defense.

Saklaw sa notice of cash allowance (NCA) ang pension requirements mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang tao.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang paglalabas ng pondo ay isang pagkilala sa naging mahalagang papel ng military retirees sa pagtitiyak ng seguridad at stability sa bansa.

Sa datos noong Disyembre 31, nasa 137,649 pensioners ng saklaw ng buwanang pension requirement para sa unang quarter ng 2023.