CENTRAL MINDANAO- Nakadama ng takot ngayon ang mga residente sa probinsya ng Cotabato lalo na ang mga magsasaka sa paglabas ng Makamandag na Banakon o King Cobra.
Matatandaan na may mga nasawi na dahil sa kagat ng king cobra sa Magpet Cotabato at karatig bayan.
Hindi na rin mabilang ang mga napatay na king cobra ng mga magsasaka at muntik na silang madisgrasya.
Pinakahuli nito, habang nagpapahinga ang isang magsasaka sa kanyang kubo sa Brgy Baynosa Tulunan North Cotabato ay inakyat ito ng Banakon.
Ngunit mabilis na nakuha ni Manong Erning Sarvida ang kanyang itak at tinaga ang ahas.
Marami ang naniniwala na posibling nabulabog ang mga ahas sa nakalipas na sunod-sunod na lindol sa probinsya at lumabas ito sa kanilang lungga.
Naglaan na rin ng pondo ang Provincial Government para ibili ng anti-venom vial kontra sa kagat ng ahas.