CAUAYAN CITY – Lalong hinigpitan ang paglabas ng mga mamamayan sa Echague, Isabela dahil sa panibagong pagkakatala ng COVID positive patient sa Barangay San Fabian.
Binago ni Mayor Kiko Dy ang kanyang pahayag kung saan pwede pang lumabas ang isang myembro ng pamilya o kaya ay once a week na lamang sila pwedeng lumabas habang nakasailalim ang kanilang bayan sa GCQ Phase 1.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Kiko Dy, sinabi niya na kasunod ng kanyang pagsailalim sa General Community Quarantine phase one ang kanilang bayan ay wala na muna silang palalabasin at papasukin sa kanilang bayan gayundin sa mga barangay at tanging mga opisyal ng barangay lamang muna ang bibili sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Nanawagan si Mayor Kiko Dy sa mga mamamayan ng Echague at sa buong lalawigan na maghihigpit muna ang kanilang bayan pangunahin na sa Brgy. San Fabian dahil mayroon na umanong ibang barangay na napuntahan ang pasyente.
Sinabi pa ni Mayor Kiko Dy na umiiral na ulit ang Liquor ban sa Echague, Isabela .