-- Advertisements --

Hinde persecution o pag-uusig ang paglabas sa mga pangalan ng mga barangay officials na sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Interior and local Government officer-in-charge Secretary Eduardo Año, wala siyang nakikitang mali sa gagawin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilabas ang mga pangalan ng mga barangay officials na kabilang sa narco list.

Tiniyak ni Año na suportado niya ang hakbang ng PDEA na ilabas ang mga pangalan dahil dapat lamang aniya malaman ng mga botante ang katotohanan sa kanilang mga kandidato.

Sa panig naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, tama lang ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isiwalat ang mga pangalan ng mga barangay officials na nasa narco list.

Ayon sa bagong PNP chief, makakatulong ito sa decision making at sa tamang pagboto.