Nanawagan ngayon sa sambayanan ang mga obispo mula sa simbahang Katolika na panindigan ang katotohanan sa gitna ng pagkalat ng “pandemya ng kasinungalingan” habang nalalapit ang May 9 elections.
Inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang pastoral letter kasabay ng paggunita ng bansa sa ika-36 na anibersaryo ng people power revolution na nagpatalsik sa 20-taon na rehimeng Marcos.
Sa naturang sulat na binasa ni Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth, nakapaloob dito ang apela na palaging hangarin ang katotohanan, ang tama at iwaksi ang masama.
“Let us examine ourselves. Perhaps we, too, sow the virus of lies, which spreads wildly, numbs our consciences,” ani mga bishops. “This virus paralyzes our capacity to recognize God, respect truth and goodness. Thus, we do not realize that there is a ‘pandemic of lies,’ especially in the social media. This is very serious.”
Inihalimbawa pa ng mga obispo sa sulat na pinirmahan ni CBCP president Bishop Pablo Virgilio David, ang isang proseso ng halalan na hindi nakabasi sa katotohan kundi sa panlilinlang.
Naaalarma rin daw sila sa pagkalat ng mga “fake news” sa mga social media at pagtatangka na impluwensiyahan ang halalan, tulad na lamang ng pagkilos ng mga tinaguriang “troll farms” at ipakalat ang pagbaligtad sa mga katotohanan.
“We wish to warn you of the radical distortions in the history of Martial Law and the EDSA People Power Revolution… This is dangerous, for it poisons our collective consciousness and destroys the moral foundations of our institutions.”