-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nabigla ang isang Korean diver matapos masaksihan ang maraming marine species na nakulong sa malaking lambat sa ilalim ng dagat habang nag-dive sa South Point Divers sa Maasim, Sarangani Province noong Oktubre 10 base sa kanyang post sa social media.

Ginamit ng diver ang kanyang social media para ibahagi ang kanyang naranasan habang nag-dive. Nabatid na 23 taon nang nasa bansa ang maninisid at sabik na sabik itong tuklasin ang lugar.

Habang nasa ilalim ng dagat kanilang nakakita ang nagkalat na lambat sa mga coral reef habang nakita ang mga pating at na may mga marine species tulad ng mga pating at pagong.

Na rescue nila ito ngunit 2 whitetip shark lamang ang nailigtas habang ang juvenile shark at ang pagong ay namatay.

Mabilis nilang ini-report sa mga awtoridad.

Ayon sa mga mangingisda sa lugar, aksidenteng nahulog ang lambat sa karagatan kung kaya’t naging dahilan ng pagka sira at pagkamatay ng nasabing species.

Sa panayam ng Bombo Radyo Gensan kay PENRO chief forester Shalimar Disomangcop, kanila ng inimbestigahan ang insidente at sinabi na mananagot sa batas ang sino mang responsable sa pagkamatay ng marine species.