-- Advertisements --
image 762

Inihayag ng ARTA na ang paglagda ng MOU ng iba’t ibang ahensya ay magpapaigting sa mga inihahatid na serbisyo publiko ng pamahalaan.

Pawang lumagda sa isang Memorandum of Understanding ang Anti-Red Tape Authority, DILG, DICT, at ang Management Association of the Philippines para sa ease of doing business.

Ang MOU ay inilaan para sa pagpapatupad ng proyekto at ang pagbibigay ng kinakailangang technical assistance sa pamamagitan ng mga programa sa pagbuo ng kapasidad, sa mga piling local government units (LGUs) bilang pagsunod sa mga probisyon ng Republic Act 11032, o ang Ease of Doing Business Law..

Higit pa rito, ito ay magsisilbing batayan para sa mas matibay na kooperasyon sa pagitan ng mga ahensyang lumagda para sa direksyon ng patakaran at mga advocay campaign, capacity development sa pagpapaunlad ng kapasidad ng paggawa ng mga hakbangin sa ilalim ng EODB Law.

Responsable din ang ARTA sa pagsubaybay at pagsusuri sa pagpapatupad ng proyekto sa mga LGU habang nasa malapit na koordinasyon sa DILG, DICT, at Management Association of the Philippines upang matiyak ang epektibong pagpapatupad nito.

Ayon kay ARTA Sec. Ernesto Perez, ang MOU ay magkakaroon ng positibong epekto sa paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga depatamento.

Ang paglagda sa MOU ay bahagi ng whole-of-nation approach ng gobyerno ayon sa direksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., alinsunod sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng gobyerno.

Una na rito, ang ARTA ay patuloy na nagtatrabaho at nakikipagtulungan sa ibang mga ahensya, pribado man at pampubliko, upang matiyak ang mabuting pamamahala para sa mas mahusay na paghahatid ng serbisyo sa publiko.