-- Advertisements --

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaking tulong para mapalakas pa ang interoperability ng Philippine at US forces kasunod ng paglagda sa General Security and Military Information Agreement.

Ang nasabing kasunduan ay nilagdaan nina US Defense Secretary Lloyd Austin at Defense Secretary Gilberto Teodoro kaninang umaga sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.

Inihayag ni Austin na sa pamamagitan ng nasabing kasunduan lalo mapaigting ang real-time information sharing sa pagitan ng Philippine at US forces.

Sa pagbisita ni Austin sa Malakanyang maraming mga bagay ang kanilang napag-usapan ni Pangulong Ferdinand Marcos kabilang dito ang ibat ibang isyu na kinakaharap ng dalawang bansa.

Samantala, pinasinayaan kanina ni Austin ang pagtatayo ng Combined Coordination Center (CCC) na lalong magpapatatag sa relasyon ng Pilipinas at Amerika.

Ang nasabing facility ay isang modernong capability na dinisenyo para palakasin pa ang interoperability ng dalawang military forces sa pamamagitan ng Pacific Multidomain Training and Experimentation Capability kung saan pinapayagan na ang AFP at US forces na mag operate bilang combined command center, joint operations, intelligence sharing, at rapid response coordination.

Ang CCC ay sumisimbolo sa malalim na ugnayan ng Pilipinas at Amerika.

” The CCC will integrate new defense technologies and joint training,” ayon sa pahayag.

Ang pagtatayo ng nasabing building ay patunay sa commitment ng Amerika sa Pilipinas.