-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore at Committee on National Defense and Security Chairman Senator Jinggoy Estrada na mahalagang hakbang para mapalakas ang pagsusulong sa karapatan ng Pilipinas sa mayaman o resource rich na West Philippine Sea ang nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na Philippine Maritime Zones Act o ‘yung Republic Act 12064 at ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act o ‘yung Republic Act 12065.

Ayon kay Estrada, ang naturang mga batas ay magpapahusay sa pamamahala at kakayanan ng gobyerno at magpapalakas sa maritime policy para sa economic development at pagtiyak ng pambansang seguridad.

Ngayong batas na ang Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes naniniwala si Estrada na makatutulong kung susunod na maipasa ang House Bill No. 7824 o ang panukala ni Congressman Rufus Rodriguez na naglalayong lumikha ng Center for West Philippine Studies.

Makakatulong aniya ang panukalang batas na ito sa pagbuo ng estratehiya para sa pagdedepensa ng ating territorial claims at sovereign rights na nakabatay sa historical data, umiiral na mga baas at United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Giit pa ng mambabatas, kailangang magpatupad ng proactive measures at strategic foresight. At ang pagtatayo ng Center for West Philippine Sea Studies ay makakapagpalakas sa ating posisyon at sa soberanya sa West Philippine Sea.

Bukod sa naturang panukala nakabinbin pa rin sa Kongreso ang panukalang Blue Economic Act at ang panukalang National West Philippine
Sea Victory Day.