yamsuan2

Naniniwala si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na ang nilagdaang Executive Order (EO) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na layong magpapabilis sa implementasyon ng Infra Flagship Projects ng gobyerno.

Sa nasabing EO mapapabilis ang pag proseso sa mga licenses, permits at iba pang mga requirements para sa infrastructure flagship projects (IFPs) bilang isang makabuluhang hakbang sa pagliit ng mga gastos at pagtiyak sa tagumpay ng programang ‘Build Better More’ (BBM) ng administrasyon.

Sinabi ni Yamsuan na ang pagpapalabas ng Pangulo ng direktiba na ito ay makatutulong upang mapabilis ang pagpapatupad ng proyekto isa na dito ang pagbuhay sa Bicol Express, ang dating sikat na Philippine National Railways (PNR) line na tumatakbo mula Maynila hanggang Bicol.

Ang muling pagbuhay sa Bicol Express, o South Long Haul Project, ay kabilang sa mga proyektong Infrastructure na pinangako ng Pangulo na ipatupad bilang bahagi ng programa ng Marcos Jr., admin program ng kanyang administrasyon.

“Among the foreseen issues in the revival of the Bicol Express is the long process of securing permits, clearances, licenses and other documentary requirements to get the project going. The soon-to-be issued EO by the President will certainly streamline all these once-tedious processes and shorten the timeline for the completion of the Bicol Express,” pahayag ni Yamsuan.

Patuloy naman na isinusulong ni Yamsuan ang revival and modernization ng Bicol Express at kaniyang isinusulong na simulan ang proyekto sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) mode.