Suportado ng ilang mga organisasyon para sa kabataan ang paglagda ng Implementing Rules and Regulation ng Republic Act 11930 kung saan ang susunod na hakbang raw dito ang paglalaan ng pondo.
Itong Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act ay layuning maprotektahan ng mas maayos ang mga kabataang biktima ng pang aabuso at pananamantala lalong lalo sa online platforms.
Ang paglagdang ito ay simula pa lamang raw ng hakbang laban sa mga inaabusong vulnerable sectors, at ang implementasyon nito ay sisigurohing pulido.
Ayon kay Save The Children Chief Executive Officer Atty. Alberto Jesus T. Muyot, hindi lamang sa Pilipinas nakikipag ugnayan ang kanilang organisasyon kundi pati sa iba’t ibang lugar upang masugpo itong problema ng pang aabuso.
Prioridad raw ng kanilang organisasyon ang prevention, kaya naman nagsisimula sila sa mga komunidad at pamilya.
Kung maaalala nilagdaan na ang Implementing Rules and Regulation ng Republic Act 11930 kung saan ito ay binuo sa loob ng halos itong taon.
Layunin na tutukan ang karapatan ng mga kabataan na magkaroon ng payapa at magandang pamumuhay.