-- Advertisements --

Ikinalugod ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang paglagda sa PH-Japan Reciprocal Access Agreement sa pagitan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro at Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko na tinunghayan mismo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Brawner hindi lamang para mapalakas pa ang military relations ng dalawang bansa kundi mapanatili ang peace and security sa Indo-Pacific region.

Kumpiyansa si Brawner na magdudulot ng magandang bunga ang Philippine-Japan military relations dahil magbibigay daan ito sa isang joint military exercises, mas mahigpit na defense cooperation at magdudulot ng matatag na security relations sa pagitan ng mga pwersa ng dalawang bansa.

Binigyang-diin ng AFP chief na ang nasabing kasunduan ay patunay sa kanilang pangako na mapanatili ang rules-based international order ng sa gayon makamit ang isang ligtas, mapayapa at progresibong rehiyon.

Samantala, nakiisa din si Brawner sa ginanap na 2+2 meeting sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Ang nasabing pulong ay nagmarka ng isang makabuluhang hakbang sa pagpapalakas ng relasyong militar sa pagitan ng dalawang bansa.