Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pakatutukan na ngayon ng gobyerno na mapalago pa ang ekonomiya ng bansa lalo at tinanggal na ng World Health Organization ang Covid -19 emergency.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kaniyang pagdalo sa reception ceremony na pinangunahan ng Asian Development Bank (ADB) kung saan binigyang pagkilala si Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ang Asian Development Bank ay katuwang ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga malalaking proyekto ng gobyerno partikular ang mga big ticket projects ng pamahalaan, pagtugon sa climate change at iba pa.
Sa kabilang dako, siniguro din ng ADB na patuloy nilang suportahan ang Pilipinas para maresolba ang problema sa kahirapan at iba pang mga isyu na kinakaharap ng bansa.
Ang ADB ay isang masigasig na partner ng Pilipinas sa halos na anim na dekada.
Nagpulong din sina Pang. Ferdinand Marcos Jr., at ADB President Masatsugu Asakawa.
Ayon sa Chief Executive kabilang sa kanilang tinalakay ang mga programang ipinatutupad na sa kasalukuyan at ang iba ay nasa pipeline na.
Malaking pasasalamat naman ng Pangulo sa ADB na isa sa pinaka malaking source sa Official Development assistance financing.
Dagdag pa ng Pangulo na kaniya din tinanong ang ADB kung ano pa ang asahan ng Pilipinas sa mga susunod na taon partikular sa mga large scale programs.
Umaasa din ang Pangulo na patuloy ang suportang makukuha ng pamahalaan sa Asian Development Bank partikular sa mga programang may kinalaman sa pagtatatag ng suplay ng tubig, enerhiya, pagkain at iba.
Binigyang-diin naman ng Pangulo na kailangan na talagang umaksiyon at tugunan ang epekto ng Climate change