Bumagal ang paglago ng ekonomiy ng Pilipinas noong ikalawang quarter ng 2023 sa gitna na rin ng pagsipa ng inflation at interest rate.
Ito ay matapos na lumago lamang sa 4.3% ang gross domestic product (GDP) mula Abril hanggang Hunyo.
Ito ay mas mabagal ng 6.4% na paglago kumpara sa unang quarter ng 2023.
Habang 7.5% naman na mas mabagal na paglago na naitala sa ikalawang quarter ng 2022.
Ang pangunahing nakapag-ambag sa paglago ng ekonomiya noong Hunyo ay ang Wholesale at retail trade, repair ng motor vehicles at motorcycles, financial at insurance activities, transportation at storage.
Lahat naman ng malalaking sektor sa ekonomiya ay lumaga kabilang ang agriculture na lumago ng 0.2 percent, mga industriya nasa 2.1 percent, at services nasa 6 percent ang paglago.